YayBlogger.com
BLOGGER TEMPLATES

Monday, February 4, 2013



----- KAIBIGAN -----


Mahirap hanapin ang kaibigan
Lalo't hindi tapat ang samahan
Kailangang may mabuting kalooban
Busilak ang puso,May kadakilaan

Hindi sagabal Ang Kahirapan
Upang humanap ng mabuting kaibigan
Sa sandaling Ating Pangangailangan
Dyan mo masusubukan ang Kaibigan

Sa Pakikisama Kaibigan ay Karamay
Ano mang Problema handang dumamay,
Masasandalan mo sa lahat ng Oras
Maging Payapa Ang iyong Bukas

Ang Kaibigan Kung Tapat Makisama
Handang Ibigay Ano mang Meron siya
Basta't ika-bubuti Ng Bawat Isa
Umasa Ka Dakila Ang Puso Niya 

No comments:

Post a Comment